Isang taon na din pala akong nagbaBLOG. Isang taong nagkwento, nakitawa, nagbasa sa blog ng iba, nakipagkaibigan, natuwa, nagkomento at nagiwan ng mensahe (Napadaan lang po Godbless) sa cute na mga chatter box. Nung una trip-trip lang ang pagbaBLOG ko pero after a month hindi ko namalayan na nagiging tahanan ko na din pala ito. Nakakatuwang magkwento at mas nakakatuwa kapag may nagkomento. Ibig sabihin may nagbasa ng entry mo at kahit papaano ay gusto nyang makipagkwentuhan syo.
Isang guro sa U.P. ang nagsabi sa akin magblog dahil napakadaldal ko daw. Kaya eto nga at nagkakilala TAYO. Si Deng(pinsan ko) at Oldskul(kababata ko at kapwa mangangakyat ng bundok) ang una kong naging friends dito hanggang sa nasundan ni Bunso na dating bluebelle ang dating blog name na ngayon ay "Mga agam-agam ni bunso", Vener at GraceMags na isa mga paborito kong manunulat sa blog. Mula friendster group(Bolpen@Kape) ay magkakasama na kami nila Bunso, Sirok(GraceMag) at Vener. Kaming tatlo lang ang nagpapalitan ng komento at ang laging magkakausap(hahaha) hanggang dumating ang isa pang kaibigan na si Pen Palaboy na mula sa friendster group ng mga manunula na pinirata(hahaha) ko para sumali sa group namin at si Oliver( Verso para Libertad) na walang sawang sumusuporta sa grupo(pare salamat).
Halos araw-araw ay nadadagdagan ang mga kaibigan ko sa blog at grabe marami na din kahit papaano ang mga nagkokomento sa mga kwento ko. Kaya walang tigil ako sa pag-Add ng mga bagong blog friends. Lahat ng link dito sa blog ko ay talaga namang binibisita ko araw-araw(Promise pa). Pero hindi lahat naiiwanan ko ng komento(sensya) pero sigurado naman nagiiwan ako ng mensahe na dumaan ako sa page nila.
Si Anino ang unang nagbigay sa aking ng award at nasundan pa iyon na galing naman kay Kweny at Pen Palaboy. Tuwang tuwa ako at ipinasa ko ang mga iyon sa mga friends ko din sa blog. Madalas ako sa page ni Anino dahil nagustuhan ko ang tema ng mga kwento nya at hanggang ngayon ay hindi ko pa natatapos basahin(sensya na pare).
Medyo parang emo yung post ko pero wala eh kailangan ko na talaga sigurong magpaalam sa inyo. Hindi dahil sa wala na akong pambayad ng broadband kundi dahil kailangan lang talaga. Siguro babalik din ako pero hindi ko alam kung kelan baka bukas.
Salamat ng marami:
Shamille sa lahat-lahat(ILOVEYOU), Bunso, GraceMag, Vener, Oliver, Ironman, Bolpen@Kape at Pen Palaboy sa pagiging kasama sa panulat ng mga tula at hindi matatawarang pagkakaibigan Oldskul na aking kababata at kabigkis sa pag-akyat ng bundok, Anino na napakahusay magkwento ng kababalaghan(itaas mo!) at kay Kai(Teenage Pinay in the UK) na nakakatuwang magkwento sa blog, Mapi sa pag-invite mo sa akin sa forum, TinaPie ang manunulat ng UST na na aking officemate, Bea(rainbowmixed) ang Sikolohistang manunulat ng UP diliman, Kweny salamat sa award, Pepe(Astig Musuem) salamat sa pagiging kaibigan sa blog, Krisha ang batang AUS na manlilibre sa akin(hehehe) at ang tanging blogfriend ko na tumatawag sa akin ng KUYA, at sa lahat ng nakaLink at NaglinK sa blog ko MARAMING SALAMAT SA INYO for making the word "blog" as an enjoyable noun.
Wednesday, March 26, 2008
PAALAM!
Posted by
KaUste
at
8:56 AM
16
comments
Labels: kwentuhan
Friday, March 7, 2008
Update lang...
Feb. 23 and 24- Nasa bundok ako ng Mt. Romelo sa Fami Laguna. Usually nakukuha sya ng 1 at kalahating oras na dirediretso basta hindi umulan at maputik. Minsan matagal na ang 4 hours(tuwing umuulan at maputik) para marating mo ang campsite at makita ang pinaka-highlights ng lugar na ito at ito ang mga falls. Pero hulaan niyo kung ilang oras namin narating ang campsite? 7 HOURS! Tatlo lang kasi kaming talagang umaakyat ng bundok at yung iba eh puro beginner at mga babae, tapos dinagdagan pa ng ulan kaya maputik talaga sa trail. Sweeper ako kaya hindi ko magawang iwanan yung mga nasa huli, binuhat ko na din yung bag nung isa namin kasama dahil nakikita kong hindi na niya talaga kaya. Buti na lang at may dumaan na nagkakabayo kaya pinasakay ko na hanggang campsite yung isa naming kasamang babae. 4 na lang kaming naiwan at ako lang ang lalake.
Pero honestly enjoy talaga ako kahit sobrang hirap dahil maya't maya kailangan kong alalayan sila. May pagka high sensation seeker kasi ako. Nung makarating kami sa campsite napaiyak yung isa namin kasama dahil "siguro" sa tuwa o dahil "sa wakas" natapos din. At take note nakapaa ang mga kasama kong babae dahil hindi kinaya ng powers ng haviannas nila ang putik ng trail.hehehehe!
Puro putik yung mga paa at hita namin kaya agad kaming naligo sa falls. 10am kami nag-start magTrek at nakarating kaming apat ng 5pm. Kaya kinabukasan after breakfast kami nagExplore sa place. Umulan pa nung gabi at pinasok ng tubig ang tent ko, kaya ayun para akong natulog sa butas na waterbed.PANALO!!! Sunday afternoon nasa baba na kami ng bundok at nagplano magsidetrip sa Tagaytay para magkape. Pero hindi na ako sumama dahil miss na miss ko na si Kulay ko. 
March 4- Dumating ang isa sa mga inaantay ko para sa pagpunta namin ni Kulay sa lugar ng mga Kangaroo. Kaya Krisha ihanda mo na ang panlibre at malapit na kami makapunta diyan.hehehehe. 15 minutes drive lang ata ang layo nila wifey sa place mo Krisha diba? Liit ng mundo noh? Madadagdagan ng 2 makulit na Pinoy ang AUS.hahahahaha.
March 6- Sumabog ang team(Hyperion) ko sa office. Kumalat kami at inampon ng ibang mga team. Nakakalungkot kasi, basta nakakalungkot. Sakto pang absent ang coach namin nung sabihin na "sorry wala na ang team nyo". Buti na lang kamo at napunta ako sa team na ok din dahil barkada ko ang coach nito. Pwede pa rin akong umbsent.hehehe. Sa mga teamates ko. SALAMAT. Magkikita pa din naman tayo sa production floor eh. Tsaka kay Coach Pao at kay Joy Lera(Itaas mo!)
Posted by
KaUste
at
8:58 AM
5
comments
Labels: kwentuhan
Tuesday, February 26, 2008
Tatlong Araw
May tatlong araw sa mundo na madalas ay hindi natin lubusang naiintindihan. Mga pagkakataong akala natin ay basta na lang nariyan o dumadating. Minsan, hindi natin akalain na ang tatlong ito ay mahalaga pala at sadyang kailangan bigyan ng pansin.
Unang araw ay ang KAHAPON, ito ang araw na kung saan na ang mga bagay ay natapos na. Mga bagay na kahit ilang milyong piso o anumang yaman sa mundo ay hindi na maibabalik pa. Mga salitang sinabi natin, mga bagay na ginawa at mga pagkakataong pinalampas. Minsan mas panghihinayangan mo pa ang bagay na hindi mo nagawa kaysa sa mga ginawa mo. Kaso wala na namang magagawa dahil nakalipas na. Lahat ng nangyari ay magiging isang kwento na lamang.
Tapos narito pa ang isang araw na mahalaga din. Ang BUKAS. Nariyan ang pag-asam natin na sana matapos na ang ulan at umaraw naman kinabukasan. Mga pangarap at kung ilang libong "sana" at "harinawa". Malaki ang pangako ng BUKAS, SUBALIT hindi tayo nakatitiyak kung ito ba ay aayon sa ating mga kagustuhan. Wala tayong kontrol sa anumang maaaring mangyari. Lahat ay nakadepende sa dasal at pagkilos at matiyagang paghihintay. Talo ang mainipin ika nga ng iba. Kaya kahit anong yaman din sa mundo ay hindi kayang ipangako ang mga bagay na darating. Kung ang iba ay umaasam ng pagsikat ng araw sa kinabukasan, ang iba naman ay naghihintay na lang ng paglubog nito. Ano nga kaya ang mangyayari bukas?
Narito naman ngayon ang araw na sadyang hindi natin pansin, isang pagkakataong minsanan lang. At ito ay ang NGAYON. Mga pagkakatong nasa iyong harapan at nasa iyong kamay. NGAYON ay ang siyang bumubuo sa KAHAPON. Mga bagay na may kontrol tayo mga pagkakataong maaari natin maganap ang lahat. Ito ay isang regalo na madalas ay ayaw nating buksan at hindi natin pinapansin. Mga pagkakataong ibinibigay natin kay KAHAPON na hindi man lang natin nabibigyang halaga.
Sabi nga "Happiness is a choice". Ikaw ang magsasabi kung saan mo gusto pumunta at hindi ang kung sinoman. You have to create your own life and live it with absolutely no regrets. To hell sa mga taong hindi naniniwala na kaya mo. 24 hours lang meron ang isang araw. Pwes anong gagawin mo? Iiyak, magmamakaawa, magmumukmok sa isang tabi.
Hindi ko sinasabing huwag kang malungkot o mabuhay ng walang pakialam sa mundo para maging masaya. Pero bigyan mo naman ng space at pagkakataon ang sarili mong magkamali, bumagsak at tumayo ng hindi nagpapagpag ng dumi. Ang NGAYON ay saglit lang kaya kung patulog-tulog ka sa pansitan magiging dull at walang kulay ang KAHAPON mo. Hindi man natin alam ang magiging bukas, at least nasabi mong MAHAL NA MAHAL KITA, AYOKO NA, SORRY at kung ano pa man.
Araw-araw may mga dumadating sa buhay natin na hindi natin akalain. May maganda, pangit, ok lang at parang wala lang. Basta ang mahalaga ay may ginawa ka at hindi steady lang boy/girl. Hindi natin alam kung sino ang maaaring dumating sa buhay natin. Pwedeng long lost friend, choirmate, teacher, klasmeyt, tindero sa kanto, blogmate o complete stranger talaga. Makinig ka sa mga kwento nila dahil marami kang mapupulot na aral. Minsan sa kanila mo matututunan ang mga bagay na hindi itinuturo sa eskwela.
Ang mga karanasan mo ang gawin mong hagdan at gawing salamin ang karanasan ng iba. Kung hindi ka tatayo ay matatapakan ka talaga. Kaya huwag mong sayangin ang 24 hours na regalo. Gawin mong makahulugan at makulay ito na may pagtatangi at pagmamalaki na sa 24 oras na regalo ay naging MAKAHULUGANG tao ka at hindi walang kwentang TAE.
Ito ang isang puting papel, isang set ng krayola at isang bagong tasang lapis.
Anong gagawin mo?
Posted by
KaUste
at
6:35 AM
25
comments
Labels: kwentuhan


